Thursday, November 3, 2011

spot on bloody birthday surprise

mga bandang ala-una ng tanghali kahapon, nakatanggap ako ng tawag from fedex, saying that i have a package from some Rakesh Thakrar..unang pumasok sa isip ko ay ang kaibigan kong si resh. nung nasa singapore kasi kame may nagtry pumickup samen na baklang indian [no offense ha, and that's another story na i will link after i finish blogging about my first time travelling alone drama]  


fedex agent: sir gab, may pakej ho kayo na parating na sa bahay nyo ngayun, sa 185 blahblah st.
ako: ah ganun ho ba, sige may tao hong tatanggap sa bahay namen. kanino po galing?[iniisip ko si thea]
fedex: ah kay rakesh thakrar sa mailbox etc ho.
ako: [huh? dito na pumasok si resh] aahh..sang lugar ho? 
fedex: sa uxbridge postal po sa london


at dun ko naconfirm na si thea nga nagpadala.
 natuwa ako, napa-blimey nga ako dahil first time ko makakatanggap ng package e tas galing pa sa aking sinta. kaso may sinabe pa si kuya..


fedex: sir, maghanda na lang ho kayo ng 2972 pesos.
ako: ha? hindi ba binayaran yan umpisa pa lang?
fedex: ah sir nabayaran po pero sa customs duties and tax ho yun.
ako: [anlaki pala] naku sir, hanggang kelan ba pwede maideliver yan, wala palang tao sa bahay nmin..


ipinagpabukas ko na ang pagpapadeliver, pwede naman daw, saka walang emergency money sa bahay, 


hindi din alam ni thea na ganun pala ang mangyayare kaya nagulat din sya, tingin ko balak nya ideny na galing sa kanya yun kaya naipasok si rakesh kung sino man sya, pero dahil nagulat din sya sa 3k napa-wot na lang sya in a british accent. [turo ko sa kanya yun! "what = wot" pag nasa UK ka na]


so ayun pag sila daw nakakatanggap ng package wala naman daw bayad. so nagresearch ako...and i quote
"...I don’t mind paying taxes but they should be reasonable. If the tax is going to be half or more than half of the total cost then it’s totally unreasonable. And where do they use the money? To pay for our president’s dinner party? Sigh...." 

(http://www.calvinshub.com/2009/11/oops-philippines-customs-did-it-again/)

hmmm...fuckage...


Sabi ni thea saken, almost the same price na daw sa binayaran ko yung price ng lahat  [she got it on sale, nung nandito pa kasi sya sa pinas ayaw ko na binibilan nya ko ng kahit ano, pero she bargained na unfair daw, kaya we agreed na kung bibilan nya ko dapat sale lang.]


nung binuksan ko, kinuha ko lahat ng papel, para manlumo ako..


guard on duty, N/A. berigud


ATTN?! really?




at para mawala na ang sakit ng pagkawala ng 3k pinangibabaw ko na ang excitement ko sa pinadala nya, ayaw nya kasi sabihin kung ano ang laman.. 


at teneeeeeen!


isang astig na longsleeves, dalawang malupit na polo shirt [na hindi ko ipapakita kahit ampogi ko habang suot ko yun]


at isang pantalon na bawal isuot sa inuman.go figure! [i always wanted to say that]




but it turned out na kung nanlumo ako sa mga papel na nasa taas, nung nabasa ko tong nasa baba, bawing bawi na ang 3k ko. *wink








ps. babe may xmas pa.







No comments:

Post a Comment